Kumander Kato na-stroke

Kidapawan City ,Philippines  — Iniimbestigahan ngayon ng tropa ng militar ang napaulat na umano’y na-stroke ang wanted sa batas na si Bangsa Islamic Freedom Movement (BIFM) Ameril Umbra Kato na nagtatago sa kabundukan ng Central Mindanao.

Si Kato ay tumiwalag sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nagtayo ng sariling grupo at pinaghahanap ng batas kaugnay ng pagkakasangkot sa samutsaring krimen.

Ayon sa Army’s 6th Infantry Division (ID) nakatanggap sila ng intelligence report na dumanas ng stroke at ngayo’y mahina na ang katawan ni Commander Kato na ang grupo ay nag-ooperate sa naturang rehiyon.

Sa tala ng militar si Commander Kato, may patong sa ulong P10 M na siyang nasa likod sa serye ng mga pag-atake sa pitong bayan ng North Cotabato noong Agosto 2008 matapos namang mabasura ang Memorandum of Agreement-Ancestral Domain (MOA-AD) kaugnay ng isinusulong na peace talks.

Show comments