CAMARINES NORTE, Philippines — Patay ang isang 25 anyos na minero makaraang masabugan ng dinamita sa loob ng kanyang pinagmiminahang ginto sa Purok Maligaya Brgy. Palanas, Paracale, Camarines Norte kamakalawa ng madaling araw. Sa ulat na ipinarating sa Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr, nadiskubre ng mga kasamahang minero bandang alas- 4:30 ng madaling araw ang wala ng buhay na si Sonny Ruelas binata residente ng Purok 4, Brgy. Baay, Labo, Camarines Norte matapos na magtamo ng sugat sa iba’t ibang katawan mula sa malakas na pagsabog na dinamita na pagmamay- ari ni Ramil Manarang. Nabatid na habang ang biktima ay nasa isang small scale mining na pag aari naman ni Elbert Barcoma, hindi inaasahan ng biktima na aabutin ito ng malakas na pagsabog sa loob ng hukay.