Barangay kagawad nilikida

CAVITE, Philippines – Napaslang ang isang 56-anyos na barangay kagawad matapos ratratin ng dalawang ‘di-kilalang lalaki kahapon ng umaga sa harapan ng videoke bar sa Barangay Langkaan 2, Dasmariñas City, Cavite. Napuruhan sa ulo si Norberto Barcena ng Sitio Humayao sa nasabing barangay. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na lulan ng kotse (XAR 347) ang biktima kasama ang kanyang misis nang lapitan at pagbabarilin bandang alas-10:30 ng umaga. Hindi naman idinamay ang misis ng biktima.

Show comments