Biyudo, misis nag-suicide

QUEZON, Philippines – Posibleng maunahan natin ang mga Hapones sa talaan ng suicide incident dahil sa dalawa na namang kaso ng pagpapakamatay ang naitala sa magkahiwalay na insidente sa lalawigan ng Quezon kamakalawa. Si Nolasco Gabriel, 37, biyudo, ng Brgy. Kilogan, Patnanungan, Quezon ay tumalon sa dagat sa Barangay Macnit sa bayan ng Polilio. Ayon sa pulisya, sakay ng motorized banca si Gabriel na escorted nina PO2 Richard Pilaton at PO1 Nelson Grigasin sa Lucena City upang dalhin sa Quezon Provincial Prosecutors Office sa kasong murder. Subalit itinulak nito ang dalawang pulis saka tumalon sa dagat para iwasan ang kasong kriminal. Dahil sa lakas ng hampas ng alon at hangin ay tuluyan itong tinangay hanggang sa mamatay. Samantala, si Loreita Remo na sinasabing may matinding problema sa pamilya ang nagbigti sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Highlander, Barangay Lutucan 1 sa bayan ng Sariaya, Quezon. Huling namataang buhay ang biktima na nagpaalam sa kanyang mister na papasok sa TSPI Dev. Corp. Ayon kina SPO1 Noriel Banaag at PO2 Andro Radones, ang biktima ay nag-iwan ng suicide note.

Show comments