Fish dealer utas sa holdaper

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang 34-anyos na fish dealer matapos pagbabarilin ng ‘di-kilalang lalaki sa naganap na holdapan sa Sitio Pinamiuyan, Barangay Bataan sa bayan ng La Paz, Agusan del Sur ka­ma­­kalawa ng umaga. 

Kinilala ang nasawing biktima na si Richard Cubol ng Bayugan City. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, bumabagtas sa nasabing lugar ang traysikel na pinagkakargahan ng mga panindang isda ng biktima nang harangin ng armadong lalaki.

Agad nagdeklara ng holdap ang suspek at ipinalabas sa biktima ang perang dala nito subalit nanlaban ito kaya nairita ang holdaper at pagbabarilin ito.

Nagawa namang ma­katalon ng drayber ng trike na si Ronald Tresvalles kaya nakaligtas sa pamamaril.

Show comments