Holdap:Mag-asawa grinipuhan

CAVITE, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang mag-asawang matanda makaraang saksakin ng grupo ng kalalakihan sa naganap na holdapan sa Barangay Fatima 3 sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mag-asawa na sina Rolando Tabora, 72; at Teresita Tabora, 73; kapwa nakatira sa nasabing barangay. Ayon sa police report, natiyempuhan ng mga armadong kalalakihan ang mag-asawa na nasa gate ng kanilang bahay bago isagawa ang krimen. Nalimas sa mag-asawa ang hindi nabatid na halaga, mga alahas at personal na gamit.

Show comments