Kinidnap na trader ipinaanod sa ilog

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang negosyanteng lalaki matapos na dukutin noong Huwebes sa Maguindanao ay ipaanod pa sa ilog ang bangkay  sa Cotabato City.

Kinumpirma ni P/Se­nior Supt. Roberto Badian, director ng Cotabato City PNP, ang pagkakatagpo sa bangkay ni Dominador Mendoza Berdin na sinasabing lumutang sa Kinagatan River sa Brgy. Kalanganan 2, Cotabato City.

Si Berdin na alahero ng ginto sa Mandaluyong City ay dumayo lamang sa Datu Odin Sinsuat, Maguinda­nao noong Huwebes nang maganap ang insidente.

Lumilitaw na nakatayo sa labas ng Hillside Pool Resort ang biktima nang lapitan at tutukan ng baril ng mga armadong kalalakihan saka puwersahang kinaladkad pasakay sa Isuzu Elf truck na tumahak patungong sa Brgy. Lower Capiton.

Pinaniniwalaang nairita ang mga kidnaper na maitakas ang biktima dahil sa pinaigting na checkpoint ng mga tauhan Task Force Kutawato kaya pinaslang na lamang ang trader.

Show comments