Holdap: Mister utas, misis grabe

LEGAZPI CITY, Albay ,Philippines  – Isa na namang negos­yanteng mister ang iniulat na napaslang habang malubhang nasugatan ang misis at kaibigan nito makaraang ratratin ng mga armadong holdaper sa Barangay Villahermosa, Cawayan, Masbate, kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Cawayan District Hospital si Renato Veraces, 31, habang nakikipaglaban naman kay kamatayan ang misis na si Crisely Veraces , 30; at kaibigan na si Enesto Rivera, 53, pawang nakatira sa Barangay Libas sa bayan ng Placer, Masbate.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-3:30 ng hapon habang lulan ng motorsiklo ang mag-asawa at kaibigan nang harangin at ratratin.

Kasunod nito, kinuha ang bag na naglalaman ng malaking halaga, mga dokumento sa pagnenegosyo at ilang cell phone.   

Show comments