Sekyu nakipag-sex, utas

BALANGA CITY, Bataan, Philippines  – Kamatayan ang naging kapalit sa panandaliang -aliw matapos atakihin sa puso ang isang 41-anyos na sekyu habang nakikipag-sex sa isang babae sa loob ng hotel sa Barangay Bagumbayan, Balanga City, Bataan kamakalawa ng hapon. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt Arnold Gunnacao, kinilala ang biktima na si Mario Jose y Tangliben, security guard sa PCSO lottery outlet sa Barangay Poblacion, at nakatira sa bayan ng Abucay, Bataan. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na bago mag-check-in ang biktima kasama ang isang babae sa Mao and Mil Hotel ay nagsimba muna ang dalawa sa St. Joseph Cathedral. Gayon pa man, bandang alas-6 ng gabi nang atakihin sa puso ang biktima matapos makipagtalik kung saan naisugod pa ito sa St. Joseph Hospital subalit idineklarang patay.

Show comments