32 GROs dakma sa raid

BOCAUE, Bulacan, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 32 kababaihan na sinasabing walang kaukulang permiso mula sa munisipyo bilang guest relation officer sa isinagawang operasyon sa dalawang videoke bar sa ba­yan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi. Bandang alas-10 ng gabi nang salakayin ng mga tauhan P/Supt. Elvis Diaz ang dalawang videoke bar na sinasabing hindi nagbabayad ng buwis, at walang kaukulang health permit mula sa municipal office. Patuloy naman minomonitor ang iba pang videoke bar na pinaniniwalaang lumalabag din sa itinakdang ordinansa ng munisipyo.

Show comments