LUCENA CITY, Quezon, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 62-anyos na manager ng Phil. Coconut Authority-Batangas Branch sa panibagong paghahasik ng motorcycle-riding gunmen sa Bocohan Road sa Barangay Isabang, Lucena City, Quezon kahapon ng umaga. Ayon kay P/Senior Supt. Erickson Velasquez, tatlong bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ni Necitas Pujanes, ex-PCA provincial manager sa Quezon. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na lulan ng Mitsubishi pickup (SDN200) ang biktima para sunduin ang kanyang drayber nang lapitan at ratratin sa kanang bahagi ng katawan. Kaagad na tumakas ang gunman patungo sa direksyon ng Sariaya, Quezon. Tony Sandoval at Arnell Ozaeta