Kawani ng munisipyo todas

BULACAN ,Philippines  – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 38-anyos na kawani ng lokal na pamahalaan matapos matuhog ng mga nakausling bakal sa ginagawang drainage system sa Barangay Pulong Gubat sa ba­yan ng Balagtas, Bulacan kamakalawa ng madaling-araw. Tatlong bakal na may kalawang ang tumapos sa buhay ni Arnold “Baka” Gamboa ng Barangay Santol sa nasabing bayang. Lumilitaw na papauwi na ang biktima lulan ng motorsiklo nang maganap ang insidente sa ginagawang flood control kung saan pinabayaan ng mga gumagawa na may mga nakausling bakal sa madilim na bahagi ng proyekto ni Mayor Romy Castro. Napag-alamang hindi naipa-police blotter ang pagkamatay ng biktima sa hindi nabatid na dahilan.

Show comments