Hapones nagbigti

BULACAN, Philippines – Pinaniniwalaang may matinding problema sa pamilya kaya nagdesisyong magbigti ng isang 55-anyos na Hapones sa loob ng kanyang tahanan sa Barangay Loma de Gato sa bayan ng Marilao, Bulacan kahapon ng umaga. Bandang alas-8:30 ng umaga nang matagpuang nakabitin sa kisame si Yoshiaki Nakagahawara ng Deca Homes sa nasabing barangay. Ayon kay P/Insp. Resty Granil, nag-iwan ng suicide note ang biktima kung saan nakarating sa kanya na may ibang karelasyong lalaki ang kanyang ka-live-in kaya ito umuwi ng bansa mula sa Japan noong Agosto.

Show comments