Mister ibinitin sa punungkahoy

CAMARINES NOR­TE, Philippines — Pinahirapan muna saka ibinitin sa punung kahoy hanggang sa mapatay ang isang mister sa hangganan ng Barangay Laniton at Barangay Langga sa bayan ng Basud, Camarines Norte kamakalawa ng umaga. Ayon kay P/Insp. Antonio Perez,  ang biktimang nakatira sa Barangay Camambugan sa bayan ng Daet ay nasa edad 40 hanggang 45 at nakasuot ng puting t-shirt, maong pants na may tattoo sa kaliwang balikat.

May teorya ang pulisya na pinaslang ang biktima sa ibang bayan saka iniwan sa nabanggit na barangay upang iligaw ang pulisya.

Show comments