Killer ng ama ni Charice kinasuhan na

MANILA, Philippines - Isang araw matapos na sumuko sa batas, pormal nang sinampahan kahapon ng kasong kriminal ang self -confessed killer ng ama ng international singing star na si Charice Pempengco na pinagsasaksak sa San Pedro, Laguna noong Oktubre 31.

Ayon kay San Pedro Police Chief P/Supt. John Kirby Kraft, sinampahan ng kasong murder ang suspek na si Angel Capili Jr. sa sala ni Provincial Prosecutor George Dee.

Kamakalawa ay sumurender si Capili kay General Trias, Cavite Mayor Luis “Jon Jon” Ferrer IV at iniharap ng mga opisyal ng pulisya kay Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Nagtungo rin si Charice sa courtroom sa isinagawang inquest proceedings laban kay Capili . Si Capili ay humingi ng tawad sa pamilya ni Charice sa pagsasabing hindi niya sinasadya ang pagkakasaksak sa ama nito na dala lamang ng init ng ulo.

Sa kasalukuyan, ayon kay Kraft ay humihimas na ng rehas na bakal ang suspek sa detention cell ng San Pedro Police.

Show comments