Kilos-protesta para sa hustisya

CAMARINES NORTE , Philippines — Kahit bumubuhos ang malakas na ulan ay naglunsad ng mapayapang kilos-protesta ang libu-libong residente upang iparating sa pamunuan ng pulisya ang agarang pagbibigay ng hustisya sa mga na­ging biktima ng karahasan sa bayan ng Jose Panganiban, Ca­marines Norte. Tahimik namang naisagawa ang kilos-protesta kamakalawa ng hapon bitbit ang mga tarpaulin na nakasaad ng paghingi ng katarungan na karamihan ay nakasuot ng damit na puti at red ribbon na dumaan din sa harapan ng himpilan ng pulisya bago magpunta sa puntod ng pinakahuling biktima ng karahasan na si Maureen Salvador. Si Salvador ay ni-rape slay ng mga ‘di-kilalang kalalakihan na sinasabing adik sa bawal na droga sa nasabing bayan noong Oktubre 10.

Show comments