Anak ng ex-mayor pinabulagta

BAGUIO CITY ,Philippines  – Hindi mapigilan ng kapulisan ang nagaganap na karahasan sa Ilocos Norte kung saan isang anak ng dating mayor ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga di-kilalang kalalakihan sa bayan ng San Nicolas sa nasabing lalawigan noong Sabado ng madaling-araw. Napuruhan sa mukha at katawan ang biktimang si Ashley Madamba, anak ni ex-Mayor Benjamin Madamba sa nasabing bayan.

Sa ulat ni P/Chief Ins­pector Lelan Benigno, lumilitaw na tatlong kalalakihan ang sumakay sa traysikel ng biktima bago maganap ang pamamaslang sa Barangay 16.

Ilang sunud-sunod na putok ng baril ang narinig ng ilang residente sa nabanggit na barangay subalit hindi inakalang anak ng dating alkalde ang napatay.

Naunang inakala ng mga residente na biktima ng road mishap ang biktima subalit nang dumating ang ilang imbestigador ng pulisya ay nadiskubre na pamamaslang ang insidente.

Show comments