9 dakma sa drug bust

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang siyam -katao sa pinaigting na operation laban sa bawal na droga sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Bulacan kahapon ng madaling-araw. Ayon kay P/Supt. Elvis Diaz, kabilang sa mga suspek na nasakote sa drug bust ay nakilalang sina Reymart Reyes, Joel Dennis Maruya, dalawang menor-de-edad na kapwa nakatira sa Brgy.Turo, Bocaue; Jeffrey Suyang ng Brgy. Bulac, Sta.Maria; Roldan Tecson ng Brgy. Sta.Isabel, Malolos City; Joray Sullano, Racel Garcia ng Brgy. Lolomboy, Bocaue; at si Marlo Dela Cruz ng Brgy. Paliwas, Obando. Nasamsam sa mga suspek ang ilang gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana, ilang plastic sachet ng shabu at drug paraphernalias.

Show comments