3 bagets humabol sa Undas

MANILA, Philippines - Humabol sa Undas ang tatlong estudyante sa high school matapos malunod sa karagatan ng Barangay Cabaroan sa bayan ng Sto. Tomas, La Union kamaka­lawa ng hapon.

Kabilang sa mga na­matay ay sina Jamel Joy Runas, Joyce Ann Blossom Camaso, at Lea Mae Martinez na pawang 13-anyos at magkaka­klase sa 1st year sa Don Eufemio Eriquel National High School sa bayan ng Agoo.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon kung saan hindi marunong lumangoy ang mga biktimang tinangay ng malakas na alon matapos mapagawi sa malalim ng bahagi ng dagat.

Ang bangkay nina Joyce Ann at Jamel Joy ay narekober ilang oras matapos malunod habang sumunod namang natagpuan kahapon ng umaga ang bangkay ni Lea Mae sa bahagi ng karagatan ng Barangay Narvacan.

Show comments