Mag-asawang trader itinumba

CAMARINES NORTE ,Philippines  – Kamatayan ang sumalubong sa mag-asawang negosyante makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng highway sa Purok 3, Barangay Binanuan sa bayan ng Talisay, Camarines Norte kamakalawa ng hapon.

Naisugod pa sa Camarines Norte Provincial Hospital subalit idinekla­rang patay ang mag asawang Solomon Gabo, 41; at Maricris Gabo, 40, kapwa may negosyong buy and sell at nakatira sa Purok 3, Barangay San Francisco ng nasabing bayan.

Ayon kay P/Senior Insp. Domingo Sario, lumilitaw na lulan ng traysikel ang mag-asawa nang harangin at holdapin ng mga maskaradong lalaki na lulan ng motorsiklo.

Nabatid na tinangkang manlaban ng mag-asawa subalit nairita at pinagbabaril kung saan tinamaan sa ulo si Solomon habang sa dibdib naman si Mari­cris base sa isinagawang pagsusuri ni P/Senior Insp. Grace Gorospe ng Scene of the Crimes Operatives (SOCO).

Samantala, nagbibigay ng pabuyang P20,000 si Mayor Ronnie Magana sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa pinagkukutaan ng gunmen.

Show comments