Chairman tiklo sa buy-bust

ILAGAN, Isabela ,Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng isang barangay chairman matapos maaresto ng mga operatiba ng pulisya at Philippne Drug Enforcement Agency sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Toran sa bayan ng Aparri, Cagayan kamakalawa.

Isinailalim sa tactical interrogation at pormal na kinasuhan ang suspek na si Chairman Leo Siriban ng Barangay Macanaya ng nasabi ring bayan.

 Nasamsaman ng tatlong plastic sachet ng shabu ang suspek na may ilang linggo na ring tinitiktikan ng mga awtoridad.

Samantala, nasakote rin ang suspek na si Mila Malana na sinasabing kabarangay ng chairman sa Aparri matapos ang drug bust operation sa Barangay Dugo sa bayan ng Camalaniugan.

Show comments