Drainage gumuho: 1 utas, 3 grabe

CAMARINES NORTE ,Philippines  – Apat na trabahador ang nadaganan ng gumuhong drainage kung saan isa ang nasawi sa Dimasalang Street, Naga City, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Hindi na nagawang maisalba ang buhay ni Casiano Cedeño, 54, ng Brgy. Lerma habang sugatan naman sina Arnel Natividad, 33, ng Brgy. Salvacion, Ti­nambac; Nestor Oliva, 48, ng Brgy. Sta. Cruz, Tinambac; at Domingo Bananlayos, 40, ng Brgy Concepcion Pequenia, Naga City. Nabatid na bandang alas-2:30 ng hapon,  habang sini­simentuhan ng mga biktima ang drainage na may lalim na 15-talampakan nang biglang gumuho ito.

Umabot pa sa dalawang oras bago maialis ang mga biktima.

Show comments