Lolo todas sa massage parlor

BULACAN  ,Philippines — Hindi nakayanan ng isang 59-anyos na lolo ang kakaibang masahe ng isang babae sa loob ng massage parlor makaraang masawi sa atake sa puso kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Bocaue, Bulacan.

Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Elvis Diaz, lumilitaw na nagpamasahe si Gregorio Cortez ng Valenzuela City sa Fortune Health Massage and Spa sa Macarthur Highway, Brgy. Lolomboy. Gayon pa man, humingi ng tulong ang masahista dahil sa naninikip ang dibdib ng biktima kaya itinakbo sa Mount Carmel Hospital sa Brgy. Bunlo kung saan idineklarang patay.

May teorya ang pulisya na hindi kinaya ang kakaibang masahe ng babae kung saan natagpuan ang biktima na hubu’t hubad na nakabulagta sa kama ng Aries room.

Show comments