Kampo ng Army ni-raid ng NPA

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - Apat na sundalo ang malubhang nasugatan matapos na salakayin ng mga rebeldeng New People’s Army ang kampo ng Bravo Coy ng 22nd Infantry Battalion ng Phil. Army sa Barangay Pasig sa bayan ng Claveria, Masbate kahapon ng madaling-araw. Kabilang sa mga sugatang naisugod sa Claveria Hospital ay sina Cpl. Audie Estioco, Pfc. Albert Juam, Cafgu Anastacio del Rosario, at Cafgu Melchor Monticod. Umabot ng isang oras ang bakbakan saka tumakas ang mga rebelde na pinamumunuan ni Ka Pula matapos mamataan ang mga sundalong rumesponde. Narekober ang ilang bomba na itatamin sana ng mga rebelde sa nasabing lugar.

Show comments