MANILA, Philippines - Pinatay sa harapan ng kanilang 12-anyos na anak na babae ang mag-asawa matapos pagbabarilin sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Arwas sa bayan ng Bani, Pangasinan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mag-asawang napaslang na sina Buenaventura Oliveros, 52; at Zenaida Oliveros, 43, habang nasa state of shock naman ang anak na itinago sa pangalang Judy.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-7 ng gabi habang nanonood ng telebisyon ang mag-asawa at anak nang sumulpot ang suspek.
Sa follow-up operations ng pulisya ay nasakote naman ang suspek na si Larry Cabalbag, 38, miyembro ng Civilian Volunteers Organization (CVO) na itinuro ng ilang testigo na nakitang tumatalilis mula sa tahanan ng mag-asawang Oliveros.