Sputnik frat member, itinumba

CAVITE, Philippines  — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi pa nakilalang suspek ang isang miyembro ng Sputnik Brotherhood fraternity kahapon ng madaling araw sa panulukan ng Brgy. Sta. Lucia, Dasmariñas City. Kinilala ang biktima na si Alfonso Fernandez, 39 anyos, binata walang trabaho, ng lungsod ng Manila, at positibong miyembro ng nasabing kapatiran. Sa imbestigasyon ni PO2 Paulo Ramos, bandang ala-1:21 ng madaling-araw habang nakatayo ang biktima sa lugar nang sumulpot ang motorcycle riding in tandem at pagbabarilin ito. Nagawa pang maisugod ang biktima sa pagamutan pero nabigo ng maisalba ang buhay nito. Ang kasong ito ay patuloy na iniimbestigahan.

Show comments