Mister inakalang kaaway, dinedo

CAVITE, Philippines – Nasawi ang isang 47-anyos na mister habang nasa kritikal naman na kalagayan ang kasama nitong babae matapos ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa bisinidad ng Crispulo Street sa Baranagay Salitran, Dasmarinas City, Cavite. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Joseph Camato habang nasa kri­tikal na kalagayan si Edelirta Dela Cruz, 38, kapwa nakatira sa # 270 Poblacion sa bayan ng Mabalacat Pampanga. Samantalang hindi naman nakilala ang dalawang gunmen na lulan ng motorsiklo. Nabatid na papauwi na ang dalawa mula sa pagbisita sa kanilang kaibigan nang harangin at pagbabarilin sa madilim na bahagi ng nasabing lugar. Pinaniniwalaang mistaken identity ang naganap sa dalawa.

Show comments