Security aide ng gambling lord itinumba

BULACAN, Philippines – Napaslang ang isang 37-anyos na security aide ng gambling lord makaraang pagbabariin ng motorcycle-riding gunmen sa bahagi ng Biak na Bato Road sa Barangay Pulong Bayabas, San Miguel, Bulacan kahapon.

Dalawang tama ng bala sa mukha ang tumapos sa buhay ni Ferdinand Dasalla ng Brgy. Buhol na Mang­ga sa bayan ng San Ildefonso at dating miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu).

Base sa ulat ng pulisya, lulan ng motorsiklo ang biktima patungo sa trabaho mula sa kanilang tahanan nang harangin at ratratin ng dalawang ‘di-kilalang lalaki na lulan din ng motorsiklo

Ayon sa impormasyong nakalap ng pulisya, ang biktima ay sinasabing sangkot sa serye ng robbery sa iba’t ibang bayan kaya sinibak sa pagiging miyembro ng Cafgu habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments