2 karnaper bulagta sa barilan

CAMP VICENTE LIM, Laguna ,Philippines  — Napatay ang dalawang magnanakaw ng motorsiklo matapos makasagupa ang mga operatiba ng pulisya sa bayan ng Pila, Laguna kahapon ng madaling-araw. Ayon kay P/Senior Supt. Denver Cruz, bandang ala-una ng madaling-araw nang karnapin ng tatlong lalaki ang motorsiklong pagmamay-ari ni Juancho Esguerra. Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, nasukol ang dalawa sa bahagi ng Barangay Bukal Dos. Narekober ang dalawang cal .38 revolver kung saan ang isa ay pag-aari ng security guard ng con­ve­nience store na naging biktima ng grupo. Sa tala ng pulisya, ang grupo ng mga suspek ay itinuturong responsable sa mga holdapan ng gasoline station at mga convenience store sa Laguna.

Show comments