3 Hapones tiklo sa pot session

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng tatlong Hapones matapos arestuhin ng pulisya sa aktong nagpa-pot session sa bakanteng kubo sa Barangay Cainigin,sa

Meycauayan

City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni P/Supt. Eric Noble, pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Nagasawa Ichiro, 46, ng Rivero Compd. sa Brgy. Tugatog; Yamadaya Katsuhiro, 49; at si Seino Fuhimico, 45, kapwa negosyante at mga residente ng Barangay Viente Reales, Valenzuela City. Lumilitaw na nakatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa kahina-hinalang aktibidad ng tatlo na bumababa sa Toyota Corolla (UFK389) saka nagtungo s a bakanteng kubo. Kaagad naman rumes­ponde ang mga tauhan ni Noble para beripikahin subalit bumungad sa kanila ang tatlo na nagpa-pot session. Nasamsam sa tatlo ang ilang drug paraphernalia, at dalawang pekeng driver’s license.

Show comments