10-anyos lunod sa ilog

QUEZON, Philippines - Isang 10-anyos na batang lalaki na sinasabing tinakot na papatayin ng maton sa kanilang lugar ang iniulat na nasawi matapos itong tumalon at malunod sa ilog kamakalawa ng hapon sa Barangay Lual Barrio sa bayan ng Mauban, Quezon. Pansamantalang itinago ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima habang tinutugis naman ang suspek na si Bantrex “Bantex” Ortil ng Core Housing sa Barangay Bagongbayan. Ayon kay SPO1 Jocelyn Ugalde ng Womens Desk Section, lumilitaw na magkasama ang biktima at kanyang lolang si Lilia Polonas sa pagtatanim ng gulay nang dumating ang suspek kung saan pinagbantaang papatayin ang dalawa. Sa takot ng mag-lola ay tumalon ang mga ito sa Maapon River subalit dahil sa hindi marunong lumangoy ang bata ay tinangay ito ng alon hanggang sa malunod.

Show comments