Paslit pisak sa tourist bus

SAN MIGUEL, Bulacan, Philippines — Napaaga ang karit ni kamatayan sa isang 4-anyos na batang lalaki matapos na aksidente itong masagasaan ng isang tourist bus kahapon na ang mga pasahero ay bibisita sana sa makasaysayang Biak na Bato kaugnay ng pagdiriwang ng Singkaban festival sa lalawigang ito.

Idineklarang dead-on-arrival sa San Miguel Hospital ang biktima na si John Kevin Santiago, residente ng Brgy. Pulong Bayabas sa bayang ito habang kusang loob namang sumuko ang driver na si Abelardo Ma­sa, 40, residente ng F. Varona St.,Tondo, Manila.

Base sa imbestigasyon PO1 Melvin Guadia dakong alas-12:15 ng tanghali ay kasalukuyang tinatahak ng Ladine Jet Tours (TWP-899) lulan ang mga estud­yante mula sa Metro Manila upang bisitahin ang isa sa ipinagmamalaking tanawin na nasa Brgy. Sibul sa bayang ito at habang binabaybay ang naturang lugar ay biglang tumawid sa kabilang kalsada ang biktima na aksidenteng nagulungan ng bus.

Show comments