CAMARINES NORTE, Philippines - Isa ang napaslang habang dalawa naman ang nasugatan makaraang magtagaan ang magkalabang pamilya sa Barangay Anameam sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Guillermo Del Rosario, 38, magsasaka, ng Purok 2 habang sugatan naman sina Randy Del Rosario, 15; at Melecio San Buenaventura, 5, kapwa naisugod sa Camarines Norte Provincial Hospital. Nakilala naman ang mga suspek na sina Romeo San Buenaventura, 30; Vilma San Buenaventura, 50; Edgardo San Buenaventura, 40; Ricky Siaga, 23; at ang sugatang si Melecio. Naganap ang insidente matapos magkainitan ang pamilya Del Rosario at San Buenaventura kaugnay sa pinang-aagawang lupain.