Dalaga kinidnap, tinodas ng nobyo

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang dalaga sa kamay ng kanyang sadistang nobyo matapos itong dukutin ay pinagpapalo at pinagsasaksak sa loob ng kotse sa Cotabato City noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. Roberto Badian ang napaslang na si Samira Giwan, kawani ng Regional Legislative Assembly ng Autonomous Region in Mus­lim Mindanao (ARMM), nakatira sa Basilan at nagbabakasyon lamang sa nasabing lugar.

Sa follow-up operations  nasakote naman ang nobyo ng biktima na si Michael Diocolano at kasabwat nito na si Latih Abangan.

Bandang alas-7:45 ng gabi nang dukutin ang bik­tima na puwersahang isinakay sa pulang Toyo­ta Corolla (LCA-301) ni Aba­ngan sa kahabaan ng Gonzalo Javier Streets Poblacion IV.

Lumilitaw na nag-away ang magsyota sa loob ng kotse na nauwi sa pamamaslang bago inihulog ang katawan ng dalaga sa bahagi ng Zenaida Subdivision.

Namatay ang biktima sa Cotabato City Regional and Medical Center dahil sa apat na saksak sa katawan at malalim na sugat sa ulo.

May teorya ang pulisya na tumangging makipagbalikan ng biktima sa kanyangnobyo kung saan lumutang din ang anggulong matinding selos.

Show comments