Draftsman itinumba

BULACAN ,Philippines  — Binaril at napatay ang isang 44-anyos na draftsman ng ‘di-kilalang lalaki sa southbound lane ng MacArthur highway sa tapat ng gate ng Northfields Subd. sa Barangay Longos, Malolos City, Bulacan kahapon ng umaga. Napuruhan sa mata si Albino Macapagal y Padilla ng Barangay Sampaloc sa bayan ng Apalit, Pampanga. Sa inisyal na ulat ni P/Supt. Baltazar Mamaril, patawid si Macapagal matapos bumaba sa jeepney patungo sana sa bahay ng kanyang utol nang lapitan at barilin ng isa sa dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo. Isa sa sinisilip ng pulisya ay anggulong love triangle ang motibo sa pamamaslang na itinaon sa ika-5 araw ng pagdiriwang ng Singkaban Festival.

Show comments