Rapist, kawatan dakma

BULACAN ,Philippines  – Dalawa-katao na sinasabing sangkot sa krimen ang nadakma ng mga awtoridad sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Meycauayan City, Bulacan kahapon. Kinilala ni P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr. ang mga suspek na sina Emiliano Garcia, 37, pedicab driver, ng Brgy. Pantoc at Alvin Field, 25, tricycle driver, ng Brgy. Malhacan. Base sa ulat ng pulisya, si Garcia ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ma.Victoria Fernandez-Bernando ng Malolos City Regional Trial Court Branch 18 para sa kasong rape noong Disyembre 23, 2010. Samantala, si Field ay naaresto sa kasong pagnanakaw sa Brgy. Bancal kung saan nakumpiskahan pa ng dalawang plastic sachet ng shabu.

Show comments