CAMARINES NORTE ,Philippines — Tinatayang aabot sa P10 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy matapos na masunog ang pamilihang bayan ng Barangay San Rafael sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Pinaniniwalaang nag-init na linya ng kuryente na sumiklab at lumamon sa mga tindahan na nagsimula bandang alas-10:40 ng gabi bago naapula ang apoy sa tulong ng ilang pamatay sunog mula sa iba't ibang bayan. Wala namang napaulat na nasugatan o nasawi sa naganap na sunog habang ang mga apektadong may-ari ng tindahan ay dismayado matapos na madamay ang kanilang stall.