Trike driver pinabulagta

KIDAPAWAN CITY ,Philippines  — Napaslang ang tricycle driver matapos ratratin ng dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo sa naganap na panibagong karahasan sa pamilihang bayan ng Tacurong City noong Biyernes ng gabi. Napuruhan sa ulo si Edwin Ticzon, 39, habang nakatakas naman ang gunman. Ayon sa police report, pauwi na ang biktima, kasama ang mag-amang Julito at Nemno Tadena, nang tabihan at pagbabarilin ng motorcycle-riding gunman. Nagsitakbuhan naman papalayo ang mag-amang Tadena para ‘di-madamay habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments