Lola kinatay, pinagnakawan

QUEZON, Philippines — Napaslang ang isang 66-anyos na lola matapos pagtatagain ng kanyang kapitbahay na lalaki sa Brgy. Mal-ay sa bayan ng Lopez, Quezon kama­kalawa ng umaga. Halos maputol ang leeg ni Lola Angelina Norzoles y Gatcho habang tugis ng pulisya ang suspek na si Lito “Toto” Baradia na sinasabing huling namataang umaaligid sa bahay ng biktima bago madiskubre ang krimen. Nawawala rin ang malaking halaga na nasa drawer ng matanda na pinaniniwalaang tinangay ng suspek.

Show comments