Mister nagbaril sa bibig

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines   — Pinaniniwalaang may problemang kinakaharap ang isang 28-anyos na mister sa kanyang misis kaya nagdesisyong magbaril sa bibig sa harapan ng kanyang utol at kamag-anak sa Barangay San Roque sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur kamakalawa. Nakilala ang nag-suicide na si Joven Abado ng Barangay Dahat sa nabanggit na bayan. Base sa police report, nakipag-inuman ang biktima sa kanyang utol at ilang kamag-anak bago naglabas ng sama ang loob sa kanyang misis na nagtatrabaho sa Maynila. Nagimbal naman ang mga kainuman ng biktima sa isang tindahan matapos magbaril sa bibig.

Show comments