CAMP SIMEON OLA, Legaxpi City, Philippines — Tatlong sundalo ang iniulat na nasa malubhang kalagayan matapos tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army ang military truck na nagkakaloob ng Libreng Sakay sa mga stranded na pasahero kaugnay ng mass transport strike sa Bicol Region sa naganap na karahasan sa highway ng Barangay Morera, Guinobatan, Albay kahapon ng umaga.
Naisugod sa Bicol Regional Teaching and Training Haspital ang mga sugatang sina Pfc. Sherwin Arnejo, Pfc. Rolly Intan at si Pfc. Jade Desamparado na pawang nakatalaga sa Scout Ranger Company (src) ng Philippine Army.
Sa ulat ni Col. Arthur Ang, commander ng Army’s 901st Infantry Brigade, lulan ng KM450 military truck ang 7-man team ng Scout Ranger Company mula Legazpi City patungong kampo ng 2nd Infantry Battalion sa bayan ng Pili, Camarines Sur matapos na tumulong sa mga na-stranded na pasahero ng pananambang ng mga rebelde.
“Despite Libreng Sakay streamers placed on side the truck, NPA rebels still have the conscience to do such attack. We condemn these as terrorist act not acceptable to a democratic and civilized community. They are instilling fear to the people,” pahayag ni Major Angelo Guman. Ed Casulla, Francis Elevado at Joy Cantos