Mag-ina nalibing nang buhay

OLONGAPO CITY, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa mag-ina matapos natabunan ng gumuhong putik sa Barangay Sta Rita sa bayan ng Tabacuan,  Olongapo City kahapon ng umaga. Narekobr ng rescue team na pinangunahan ni Barangay Chairman Jerome Bacay ang katawan ng mag-inang Ederlyn Macapal, 54, at Manilyn Macapal, 2. Ang pagguho ay naganap dakong-alas 9 ng umaga sa bahagi ng kabundukan ng Tabacuan kung saan kasagsagan ng buhos ng pag-ulan. Samantala, naisugod naman sa James L. Gordon Memorial Hospital ang 5-katao kabilang ang mister ni Ederlyn at iba pang miyembro ng pamilyang Macapal. 

Show comments