Informer ng pulisya nilikida

BULACAN, Philippines — Napaslang ang isang 44-anyos na mister na sinasabing tumatayong informer ng pulisya makaraang ratratin ng nag-iisang lalaki sa loob ng bar sa MacArthur Highway sa Barangay Caingin sa bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi. Tatlong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Joselito Legaspi habang tinamaan naman ng ligaw na bala sa tiyan ang isang 21-anyos na guest relation officer. Sa imbestigasyon nina SPO1 Ferdinand Cabuhat at PO3 Manuel Mendoza, lumilitaw na nasa Dumagat Grill Beerhouse ang biktima nang lapitan at ratratin. May teorya ang pulisya na may kaugnayan sa pagiging asset ng biktima ang naganap na pamamaslang.

Show comments