CAMARINES NORTE, Philippines — Magkasunod na naaresto ng mga awtoridad sa pamumuno ni P/Chief Insp. Godfredo Kinhude Tul-O ang dalawang kalalakihan na sinasabing responsable sa pagpapakalat ng pinatuyong dahon ng marijuana sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Rolando de Lemios Bobis ng Labo Regional Trial Court Branch 64, naaresto ang suspek na si Jonel Andrade, 24, ng Purok 1, Brgy. Tulay na Lupa. Nasamsam kay Andrade ang 2 pakete at 60 pirasong sachet na pinatuyong dahon ng marijuana. Kasunod nito, naaresto rin ang suspek na si Raymundo Balquin matapos makumpiska ang itinanim na marijuana sa kanilang bakuran.