2 Aeta na sinalvage kilala na

BATAAN ,Philippines  – Halos mag-iisang linggo bago nadiskubre and dalawang biktima ng summary execution sa bulubunduking bahagi sa Barangay Roosevelt, Dinalupihan, Bataan kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Supt. Arnold Gunnacao, ang dalawa na sina Nelson Ocampo, 28; at Danny dela Cruz na kapwa katutubo sa Barangay Pundaki, San Antonio, Zambales. Sa ulat ni SPO2 Rolando Amarga, natagpuan ang mga bangkay nina Ocampo at Dela Cruz noong August 23, 2011 habang namumutol ng damo sina Jaime Angulo, Conrado Salonga at si Gilbert Villareal para sa tree planting. May teorya ang pulisya na pinagbabaril hanggang sa mapatay ang mga biktima bago itinapon sa nasabing lugar para iligaw ang mga imbestigador.

Show comments