Mag-utol dedo kay Mina

MANILA, Philippines - Nalibing ng buhay ang magkapatid na bata matapos na maguhuan ng tone-toneladang putik ang kanilang tahanan na nasa  paanan ng bundok sa Barangay Rabon sa bayan ng San Fabian,

Pangasinan

kahapon ng uma­ga. Kinilala ang mga biktima na sina Rayjean Bautista, 6; at Johnray Bautista, 5. Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-5:45 ng umaga nang gumuho ang malaputik na lupa mula sa kabundukan kung saan natutulog ang pamilya Bautista. Nakaligtas naman ang mag-asawa Bautista mula sa kuko ni kamatayan. Ang landslide ay sanhi ng patuloy na pagbuhos ng ulan dulot ng pananalasa ng bagyong Mina.

Show comments