Sundalong babae itinumba

MANILA, Philippines - Hindi man lamang nahabag ang tatlong hitman ng mga rebeldeng New People’s Army laban sa isang sundalong babae ng Philippine Air Force matapos itong ratratin at mapatay sa kahabaan ng McArthur Highway sa Clarkfield, Pampanga kahapon ng umaga. 

Napuruhan sa ulo si Airman First Class  Mary Joy Tagbe, 29, tubong Agusan del Sur at nakatalaga sa 1st Air Division ng PAF sa Clark Air Base.

Pinaniniwalaang liquidation squad ng NPA rebs ang nasa likod ng pagpatay sa biktima habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments