21-anyos utas sa bike crash

QUEZON, Philippines — Basag ang bungo at namatay noon din ang isang 21-anyos na lalaki habang nasa kritikal namang kondisyon ang kanyang kaibigan matapos bumangga ang kanilang motorsiklo sa pader ng sabungan sa Barangay Dinahican sa bayan ng Infanta, Quezon, kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang nasawing si Rod Pastor ng Brgy. Libjo, habang patuloy na ginagamot sa ospital si Jommer Clemencio, 17, ng Brgy. Carlagan. Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-2:30 ng hapon nang sumabog ang unahang gulong ng motorsiklo ng magkaibigan kung saan nagpagewang-gewang ang takbo hanggang sa sumalpok sa bakod ng Dinahican Cockpit Arena.

Show comments