13 tiklo sa illegal fishing

BULACAN, Philippines — Rehas na bakal ang binagsakan ng 13-katao na nagsasagawa ng illegal fishing makaraang maaresto ng mga awtoridad sa karagatang sakop ng mga Barangay Kaliligawan at Pamarawan sa Malolos City, Bulacan kahapon ng umaga. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Adrian Nuñez, Eddie Nuñez, Garry Nuñez, Francisco Diego, Marvin Aquino, Reminaldo Diego, Jethro Pilareña, Atemeon Escal, Mario Escal, Jeffrey Añonuevo, Wijay Bartolome, Joselito Bartolome, at si Rufino Garcia. Nasamsam sa mga suspek ang 6-bangka, mga lambat, at kilu-kilong maliliit na isda.

Show comments