2 dedo sa karahasan sa Cavite

CAVITE, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na napaslang sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa. Si Arlito delos Santos, 31, ng Barangay Anabu 1 ay pinagsasaksak saka itinapon sa ilog ng Barangay Tanzang Luma 6. Samantala, si Oliver Penix, 33, ng Barangay Malagasang 1-A ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng ‘di-kilalang lalaki sa gilid ng Aguinaldo Highway sa Brgy. Tanzang Luma 6. Base sa police report, si Penix ay nagbabasa ng dyaryo nang lapitan at ratratin.

Show comments